Una sa Balita

Nude photo ng buntis na si Isabelle bentang-benta

By
Birthday suit Photo Courtesy of instagram.com/isabelledaza
0 4,838

Kahapon (March 6) ay ika-30th birthday ni Isabelle Daza at binulabog nga niya ang social media, lalo na ang Ins­tagram dahil sa photo na pinost niya. Isang simpleng ‘birthday suit’ lang ang caption niya, at yes, literal na ‘birthday suit’ nga ang drama niya, dahil hubo’t hubad nga siya.

Malaki na nga ang tiyan ni Isabelle at kung noong seksing-seksi at dalaga pa siya ay hindi mo siya makikita na nagpo-post ng mga larawan niya na halos silip na silip na ang pinakatatago-tago niyang mga bahagi ng katawan, ngayon ay buong ningning na nga niya itong ipinakikita sa social media.

Walang malisya ang photo, at hindi rin ito ang unang pagkaka­taon na nag-post ang isang babae ng lara­wan na buntis siya na hubo’t hubad. Katunayan, ang pinsan, bestfriend niyang si Georgina Wilson ay nag-post din ng preggy look nung buntis pa ito.

Anyway, ang mga kamay ni Isabelle ang ginamit niyang pantakip sa kanyang boobs, at sa ibabang bahagi ng kanyang malaking tiyan. Ang hita naman niya ang ginamit na pantakip din sa kanyang flower.

Puwedeng isipin na naka-panty o t-back si Isabelle dahil natatakpan din ng bahagi ng kamay niya ang mga parte na ‘yon.

Anyway, puring-puri naman si Isabelle ng mga netizen, at kahit si KC Concepcion ay nagsabing, “This is beautiful Belle!” at binati naman ni Erich Gonzales ng ‘happy birthday’ ang misis ni Adrien Semblat.

At kahit ang mga netizen o hindi artista ay pinuri ang photo na ito ni Isabelle.

Sabi ni elise_cj ‘hotness overload, but not laswa at all. Beautiful mom to be.’

‘Wow hot momma’ naman ang komento ni jazz_rio. At ‘Wow just so amazing! ­Nothing more naturally beautiful?’ naman ang hirit ni tweathers88.

‘Eh, ginalingan na naman ayoko na’ ang sabi naman ni karessacaymann. At ‘U look stunning even when pregnant. Pretty mama!’ naman ang saad ni b3v3rly197.

‘Happy wife ako kay Daniel!’ ­- Kathryn

Ang daming­ kinilig sa caption ni Kathryn Bernardo sa photo nila ni Daniel Padilla, na may kasama pang dalawang kaibigan (lalake at babae) sa Instagram post ng aktres.

‘Happy wives, happy lives’ kasi ang caption, na kahit sino ay maloloka, at mababaliw talaga sa tuwa ang mga tagahanga, dahil ‘yun na nga, wife na nga ang role ni Kathryn kay Daniel, ha! O wife na ang tawag ni Kathryn sa sarili niya.

Eh, bakit naman hindi? Eh, sila naman talaga ang magdyowa, at sila naman talaga ang magkakatuluyan, no!

Sayang nga lang at hindi makapag-comment ang mga tagahanga sa IG post na ‘yon ni Kathryn, dahil naka-off ang comment section sa IG niya. Pero for sure, lahat sila ay naka-thumbs up sign sa caption at photo na ‘yon ni Daniel.