Una sa Balita

Nuclear test site ng NoKor pinasabog ni Kim

By
0 554

Tinupad ni Kim Jong Un, Pangulo ng North Korea, ang kanyang pa­ngako na isara at sirain sa pamamagitan ng pagpapasabog ang nuclear test site sa kanyang bansa noong Huwebes na pinanood ng ilang dayuhang mamamahayag.

Nagkaroon ng closing ceremony na pinangunahan ng mga opisyal ng nuclear arms program matapos pasabugin ang tatlong tunnel na mula sa underground site at ilang mga gusali sa lugar ng nuclear test site.

Sinaksihan ng grupo ng mga journalist ang pag-demolished sa nasa­bing test site na nagkaroon ng pagguho ng lupa sa mga pasukan ng t­unnel.

Ayon sa state media ng Korea, ang pagsasara ay parte ng proseso ng pagbuo ng ‘nuclear-free, peaceful world’ at ‘global nuclear disarmament’.

Inanunsyo ni Kim ang kanyang planong pagpapasara sa nasabing underground site, na ginamit nang anim na beses sa pagsubok ng nuclear, bago ang kanyang pakikipagkita sa Pangulo ng South Korea na si Moon Jae-in noong Abril.

Tinawag ng National­ Security Council ng South Korea ang desisyon ng North Korea sa pagsara sa nuclear test site na “first measure toward complete denuclearization.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy