Una sa Balita

Nuclear power program pinalalantad sa DOE

0 640

PAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Win ­Gatchalian sa Senado ang ­estado ng Nuclear Energy Program ­Implementation Organization ng Department of Energy (DOE) ­gayundin ang panukalang nuclear power program sa bansa.

Sa inihaing Senate ­Resolution 162, ­sinabi ni Gatchalian na ­dapat magkaroon ng comprehensive, transparent at ­public discussion sa nuclear program at tingnan ang epekto nito sa social, economic at ­environmental ng bansa.

Inihain ng senador ang resolusyon matapos lumagda ang mga opisyal ng ­Russia at Pilipinas ng isang Memorandum of Intent para sa konstruksiyon ng ­nuclear ­power plant sa Piipinas.

Ang kasunduan ay nilagdaan nang ­bumisita si Pangulong ­Rodrigo Duterte sa Moscow, ­Russia nagdaang linggo. Ang ­Russia ang nagsulong na magtayo ng ­nuclear power plant sa bansa.

Sabi ni Gatchalian, ­chairman ng ­Senate Committee on Energy, kailangan umanong magkaroon ng tatlong yugto sa ­pag-develop ng national nuclear power ­program sa Pilipinas.

Pebrero 2018 ay bumisita sa bansa ang International Atomic Energy ­Agency’s (IAEA) kung saan nakipagpulong sila sa mga ­opisyal ng DOE at Department of Science and ­Technology para sa pag-develop ng ­nuclear power sa bansa.

Muling bumisita ang mga opisyal noong Disyembre para sa ­Integrated ­Nuclear ­Infrastructure ­Review (INIR) at ­nagkaroon ng INIR ­Mission Report na naglalaman ng ­rekomendasyon para sa pani­mula sa ­nuclear power sa Pilipinas.

Subalit hindi umano ­ibinigay sa Kongreso o isinapubliko ng DOE ang proposal at mission ­report ng IAEA, ani Gatchalian. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy