Una sa Balita

NU wagi sa Maroons

By
0 14

Nag-iwan ng magandang mensahe ang National University bago tinapos ang kanilang kampanya sa UAAP Season 79 men’s football tournament, ito’y ang pagpapaluhod sa defending champion University of the Philippines, 2-1 noong Huwebes sa Moro Lorenzo Field.

Kahit laglag na sa Final Four, ipinakita pa rin ni Mike Arbela ang kanyang tikas matapos ilista ang unang puntos para sa Bulldogs sa 36th minute.

Naitabla naman ng Fighting Maroons ang iskor matapos sumalpak si substitute Sebastian Patangan sa 62nd.

Muling nakuha ng NU ang manibela sa kinana ni Jacob Gomez sa 72nd minute sapat para hablutin ng Bustillos-based booters ang panalo.

Nakalikom ang Bulldogs ng 19 points, lumanding sila sa fifth place.

“Lahat ng teams sa UAAP, balanced. You can’t relax. Anybody can win,” saad ni coach Mari Aberasturi na hinawakan ang NU nito lang Agosto nakaraang taon.

Nanatili pa rin ang UP sa second spot sa semifinals na may 28 points.

“We wanted to end on a high note. But unfortunately, there were lapses sa goalkeeping,” pahayag ni Maroons mentor Anto Gonzales.

Katapat naman ng elimination round topnotcher Ateneo sa one-game semis affair ang No. 4 University of Santo Tomas (3 p.m.).