Una sa Balita

NU nilaglag ang UP sa F4

0 313

NIERVA WERPA

Binuga na lahat ng National University ang mga nakatabing armas sa pangunguna nina Jennifer Nierva at Princess Anne Robles, muling sinakmal ang University of the Philippines, 25-21, 26-24, 17-25, 23-25, 17-15 sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eiminations Linggo ng hapon sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Kumayod si libero Nierva sa depensa sa pamamagitan ng 27 excellent receptions at 30 excellent digs para hiranging best player of the game, samantalang nagtistis ang bagito ring si outside hitter Robles ng 20 points na naghari naman sa opensa ng Lady Bulldogs, sinama sa hukay ang Fighting Lady Maroons sa pag-sweep dito sa elims.

Pinawalang-saysay ng Sampaloc-based squad ang trinabahong 15 pts. ni Audrey Paran at 12 markers ni Roselyn Doria sa panig ng mga balibolistang taga-Diliman.

Pero ang pinakamasaklap ay pinahaba ng NU ang bangungot ng Peyups sa tatlong sunod na taong sablay sa Final Four sa pagputong dito ng pampitong talo sa 13 laro. Nilibre pa ng L’ Bulldogs sa semis ang Far Eastern University (8-4) at University of Sanbto Tomas (8-4), sumama sa Ateneo de Manila University (10-2) at reigning champs De La Salle University (9-3).

“Sa akin naman, with this result, masaya ako kasi may lumabas na character sa team namin. This season, angat baba kami. Ang usapan na lang namin i-protect ang character ng team namin at yung pinapakita namin this season.” pahayag ni NU coach Norman Miguel. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy