Una sa Balita

NU namayagpag sa cheerdance

0 464

PASIKLAB mula umpisa hanggang dulo ang ­National University Pep Squad para kuning muli ang korona sa UAAP Cheerdance Competition kagabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Dala ng Sampaloc-based cheerdancers ang Pinoy Pride routine na may 5-tier pyramid formation kasama pa ang swabeng transition sa tosses at mga pasabog na stunt.

Tuloy ang dominante nila upang maulit ang ­history matapos ang 4-peat run noong 2013 ­hanggang 2016.

Ito na ang ika-anim na titulo ng NU sa pitong taon.

Pumangalawa naman ang Far Eastern ­University Cheering Squad tapos nang nostalgic dance and steps dahil sa inspired ang kanilang sayaw mula sa namayapang pop king na si Michael Jackson.

Habang nakahabol sa podium ang Adamson Pep Squad kahit na mayroon silang nagawang fall sa gitna ng kanilang performance. (Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy