Una sa Balita

NTSB sa Kobe chopper crash: Walang problema sa makina

0 325

HINDI nagkaroon ng engine­ failure ang helicopter na sinakyan ni Kobe Bryant nitong nakaraang buwan, base sa impormasyon na inilabas ng National Transportation Safety Board (NTSB).

Isang taon aabutin bago maglabas ng full report ang NTSB habang binubusisi ang bawat detalye at impor­masyon ng crash na kumitil sa buhay ni Kobe, 41, anak niyang si Gianna, 13, at pitong iba pa kabilang ang pilotong si Ara Zobayan.

Sa paunang report, base sa ulat ng CBS Sports, ay pinahapyawan ang kondis­yon ng himpapawid habang nasa ere ang chopper.

Foggy – madilim, maulap – sa Los Angeles noong umaga ng Jan. 26. Si Zobayan daw ang nagdesisyon na ituloy ang paglipad.

Higit 8,200 hour na ang flying experience ni Zobayan. Kabilang sa pinakahuli niyang flight review ang training sa paglipad na masama ang panahon. Nabigyan siya rito ng satisfactory grade.

Walang black box – at hindi rin required na magkaroon – ang Sikorsky S-76B na sinakyan ni Kobe. Isa ito sa nagpakomplikado ng imbestigasyon dahil walang makuhang recorded data sa mga huling sandali bago bumulusok sa bulubunduking bahagi ng Calabasas City, Los Angeles sa California. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More