Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NTF-ELCAC may rason na para buwagin – Cong Zarate

0 94

Sa pagka-dismiss ng kasong isinampa laban sa tinaguriang bakwit 7, lalo pang tumibay ang dahilan para tuluyan nang buwagin ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC ).

Iginiit ito House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kasabay ng pagsasabi na ang pagka-dismiss ng kaso at pagpapalaya sa mga kinulong na Bakwit 7 ay muling pagpapatunay na ang pagpapasimuno ng NTF-ELCAC sa red-tagging at pagsasampa ng mga kaso laban sa mga inosente grupo at indibidwal ay pawang walang basehan at gawa gawa lamang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito’y dagdag umanong dahilan upang tuluyang na itong buwagin at ang agarang pagbitiw o pagsibak sa mga tagapagsalita nitong sina Gen. Antonio Parlade at Usec. Lorraine Badoy-Partosa dahil sa pagpapakalat ng kasinungalingan at pananakot sa Lumad schools at kanilang guro.

Kaya dagdag ni Zarate, malinaw na sinasayang lamang nito ang pera ng bayan kung kaya’t nararapat na buwagin na ito. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.