Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NTF-ELCAC alis pondo ilalaban sa Kamara

0 74

Ilalaban ng Maka­bayan bloc na alisan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para ilipat at gami­ting ayuda sa milyong pa­milyang Pilipino na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pande­mic.

Sa pamamagitan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, Sinabi nitong sisikapin ng kanilang grupo na maalis ang P19.1 bilyon pondo inilaang sa NTF-ELCAC at mailipat ito bilang pondo sa ilalim ng Bayanihan 3 bill.

Naniniwala naman si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na ang krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya na kinakaharap ngayon ng bansa ang dapat na bigyan ng pondo at hindi ang task force. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.