Una sa Balita

NTC sa mga telco: Solon nagka-phobia sa puwesto

0 555

Kuntento na raw sa kanyang puwesto ang isang mambabatas at hindi na ito naghahangad ng mas mataas na posisyon.

Nagkaroon kasi ito ng phobia nang hawakan ang mataas na posisyon may ilang taon na ang nakaraan.

Eh paano ba naman kasi, marami ang humudas sa kanya kaya nalaglag sa magandang puwesto.

Ilang gabing hindi nakatulog ang mambabatas sa kanyang sinapit, kulang na lang ay laklakin ang isang gallon ng Emperador para lang makatulog.

Kaya nang minsan ungkatin ng isang kapartido kung may ambisyon pa ito, aba’y todo tanggi na raw ang mambabatas dahil na rin sa masaklap na karanasan.

Pintahan nIyo na. Ang mambabatas na nagka-phobia sa puwesto ay kilalang kuripot at may letrang P sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More