Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NTC nagbabala vs text blast

0 34

“BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano’y nag-aalok ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam”.

Ito ang panukala ng National Telecommunications Commission na dapat i-text blast ng mga telecommunications company upang magabayan ang kani-kanilang mga subscriber.

Sa pamamagitan ni Commissioner Gamaliel Cordova ay inaatasan ang mga telecommunication na i-text ang kani-kanilang mga subscriber na ang ilalagay na sender ay ang National Telecommunications Commission.

Sa naturang direktiba ay pinalugitan ni Commissioner Cordova na ang mga telecompany ay magsumite ang mga ito ng compliance report hanggang December 14, 2021.

Ipinunto ni Cordova na maging maingat ang publiko hinggil sa spam messages upang huwag mabiktima lalo na sa mga personal informations na hihingin ng scammers sa mga social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.