Una sa Balita

NTC may free charging, tawag sa mga apektado ni ‘Tisoy’

0 305

IPINAG-UTOS ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng telecommunication entity na magkaloob ng libreng tawag at libreng charging ng mga mobile phone sa publiko sa lahat ng apektado ng Bagyong Tisoy.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), malaking bahagi ng Samar, Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon ang nawalan ng suplay ng kuryente at naputol na rin ang komunikasyon.

“Pending restoration of power and telecommunications services in areas severely affected by Typhoon Tisoy, You are hereby directed to offer libreng tawag and libreng charging services in strategic areas in cities and municipalities severely affected by the typhoon,” nilalaman ng memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba

Inatasan ang mga telco na magsumite ng report sa kanyang tanggapan hinggil sa kanilang pagtalima sa naturang kautusan.

Una nang nagpalabas ng memorandum si Cordoba sa lahat ng nasa sektor ng telekomunikasyon na siguraduhing sapat ang bilang ng mga technical at support personnel.

Ipinaalala rin ang paglalagay ng mga standby generator na may extra fuel, tools at spare equipment sa apektadong lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy