Una sa Balita

NTC kasado sa temporary permit ng ABS-CBN

0 349

TULOY ang operasyon ng ABS-CBN kahit na mapapaso na ang prangkisa nito sa darating na Mayo 4.

Ito’y matapos na tiyakin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang nakatakda nilang pag-iisyu ng provisional authority sa natu­rang Kapamilya network.

Ang paniniyak ay ipinaabot ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa pagharap nito sa pagdinig kahapon ng House Committee on Legislative Franchise.

Ginamit na basehan ni Cordoba ang posisyon ng Department of Justice (DOJ) at Kongreso na pahintulutan ang kompanya na ipagpatuloy ang operasyon nito habang nakabinbin ang aplikasyon nito para sa renewal ng prangkisa.

Paliwanag pa ng opisyal, susundin umano ng NTC ang payo ng DOJ.
“The NTC will follow the latest advice of the DOJ and let ABS-CBN continue operations based on equity,” paniniyak ni Cordoba sa pagharap nito sa pagdinig.

Kung matatandaan, humingi ng payong ligal ang NTC sa DOJ kaugnay sa naturang usapin sa pamamagitan ng ipinadala nitong liham noong Pebrero 12, 2020.

Partikular dito ay ang paglilinaw kung maaa­ring magpatuloy ang operasyon ng naturang TV network oras na mapaso ang prangkisa ito habang nakabinbin naman ang aplikasyon nito para sa renewal.

“Based on the foregoing discussion, there is sufficient equitable basis to allow broadcast entities to continue operating while the bills for the renewal of their respective franchise remain pending with Congress,” ayon sa posisyon ng DOJ na binasa ni Cordoba sa komite.

Sa Mayo na ang susunod na pagdinig ng komite dahil papasok sa mahabang Lenten break ang Kongreso simula ngayong Huwebes. (Eralyn Prado/JC Cahinhinan)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More