Una sa Balita

NTC ‘di matatakbuhan ng ABS-CBN

0 370

HINDI umano maaaring mag-isyu ng operating permit ang National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CBN Corporation sa oras na mapaso ang prangkisa nito sa Marso 30.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil nakapag-desisyon na aniya ang Korte Suprema sa mga nagdaang mga panahon na hindi puwedeng maglabas ng ope­rating permit sa licensee na paso na ang prangkisa.

“It is necessary, because there are Supreme Court decisions which say that the National Telecommunication Commission cannot issue an operating permit without a franchise being granted to the licensee,” sabi ni Drilon sa panayam sa ANC.

Naniniwala rin si Drilon na agad na kukuwestiyunin ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema kung magpapatuloy ang operasyon ng ABS-CBN matapos ang Marso 30.

Ito aniya ang dahilan kung bakit naghain siya ng resolusyon­ para ma-extend ang prangkisa ng network hanggang Disyembre 21, 2022.

Ayon kay Drilon, inihain niya ang resolusyon para magkaroon sila ng sapat ng panahon para matalakay ang franchise renewal ang ABS-CBN.

“I filed this resolution in order to give Congress time to review. It is not for ABS-CBN, it is for Congress to have time to review the very serious allegations raised by the Solicitor General in the Supreme Court, which cannot be tackle din the remaining time,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More