Una sa Balita

NSO late registration

0 1,046

Good day po attorney magandang umaga po tanong ko lang po kasi po ngayon nagpapa- late register po ko kasi no record po kasi ako sa NSO ma’am Tapos po sabi po sa munisipyo namin ma’am kailangan daw po apilyedo daw po ng mama ko ang gamitin ko kasi daw po hindi sila kasal at naabutan din daw po ko ng batas ma’am tanong ko lang po na kung puwede ko pa po gamitin apilyedo ng tatay ko kasi po simula po bata ‘yon na po gamit ko kasama ko naman po tatay ko, nagsasama naman po sila ni papa at mama.
Maraming salamat po,
Angela

Ms. Angela,
    Kung may birth certificate ka na ay huwag na huwag ka nang magpa-late register kasi lalo kang magkakaproblema sa mga susunod na panahon. Anag dapat gawin ay ayusin na lamang ang birth certificate mo.

Hindi mo nabanggit kung ang nanay o tatay mo ba ay kasal sa iba kaya hindi sila makapagpa­kasal?  Kung may mga iba pa silang asawa ay mananatili kang illegitimate maliban lamang kung magkakaroon ng adoption.  Kung naipanganak ka naman na sila ay parehong binata at dalaga at nagpaka­sal naman matapos kang mapanganak ay maaari mong ayusin ang birth certificate sa pamamagitan ng pag-file ng Application  for Legitimation.

Kung hindi ito applicable sa iyo ay maaari mo pa ring magamit ang apelyido ng tatay mo sa pamamagitan ng RA 9255. Ngunit sa ngayon ay pinaiiral ang PSA ang rules and regulations na lahat ng pinanganak noong Agosto 3, 1988 hanggang Marso 18, 2004 ay hindi magagamit ang provision ng RA 9255 at kakailanganin pa nila ng magsampa ng petition sa korte para maiayos ang surname mo.

Ngunit kung ikaw naman ay pinanganak  sa araw ng Marso 19, 2004 sa susunod na araw ay maaari mong ipaayos ang apel­yido at gagawa ang tatay mo ng Affidavit to Use the Surname of the Father at pati ang nanay mo ay magsasagawa ng pagsang-ayon sa paggamit mo ng apelyido ng tatay mo.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/ 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More