Una sa Balita

NSA of the Year ang NGAP

By
0 514

ANG sports na golf ang isa magnining­ning sa SMC-PSA (Philippine Sportswriter Association) Annual Awards Night dalawang linggo mula ngayon sa Manila Hotel.

Tatanghaling National Sports Association (NSA) of the Year ang National Golf Association of the Philippines (NGAP) habang si Enrique Razon, Jr. naman ang Executive of the Year ng pinakamatandang media organization sa bansa.

Nakapag-uwi ng apat na gintong medalya ang NGAP para sa bansa sa katatapos lang na 18th Asian Games sa Indonesia sa pangunguna ni Yuka Saso sa women’s individual at women’s team kung saan kasama ni Saso sina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.

Nasungkit din ni Pagdanganan ang bronze medal sa women’s individual kaya nagtapos ang mga Pinay golfers na 1-3 at sila rin ang itinanghal na overall champion dito at inalpasan ang Japan para sa titulo.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 32 taon na nakapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipinas sa Asiad na hu­ling naiuwi ni Ramon Brobio sa men’s individual noong 1986 sa Seoul, South Korea.

Sa pagkakapanalo ng ginto ni Saso, isa siya sa mga tatangap ng PSA Athlete of the Year Award kasama sina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal.

Ang 58-anyos na si Razon ay isang avid golfer at matagal nang sumusu­porta sa sport sa pagtatayo nito ng Phi­lippine Golf Tour sa tulong ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy