Una sa Balita

NSA ni Marchan pararangalan

By
0 777

HIHIRANGING National Sports Association of the Year ang Triathlon Association of the Philippines sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriter­s Association) 2018 Awards Night sa Maynila Hall ng Manila Hotel sa darating na Martes, Pebrero 27.

Ito ay dahil sa ikalawang sunod na pagkakataon na nakakuha ng ‘golden sweep’ ang mga triathlete na sina Nikko Bryan Huelgas at Marion Kim Mangrobang sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Malaysia noong Agosto.

Isa ang TRAP sa pinakaaktibong NSA sa kasalukuyan sa pagsasagawa ng mga kompetisyon sa kapuluan ng bansa sa ilalim ng liderato nina president Ramon Marchan at ni secretary general Tomas Carrasco, Jr.

Nagpapakitang gilas na ang Filipino triathletes simula pa noong 2015 SEA Games sa Singapore nang walisin ang men’s and women’s events ng swim-bike-run sa unang pagkakataon sa kabayanihan nina Huelgas at Marie Claire Adorna.

“No other federation deserves the NSA of the Year award from the PSA more than triathlon, for its unwavering campaign to promote the sport and help Filipino triathletes compete against the best of the world,” sabi kahapon ni PSA president Dodo Catacutan ng SPIN.ph.

Isa ang triathlon sa mga indibidwal at sports bodies na kikilalanin ng pinakamatandang media organization sa tradisyunal na seremonyang mga ipiprisinta ng MILO at Cignal TV.

Sina world professional boxing champion Jerwin Ancajas, tenpin bowling World Cup queen Krizziah Lyn Tabora at world men’s 9-ball king Carlo Biado, ang PSA-Tapa King Athlete of the Year.

Major sponsor ang Philippine Sports Commission (PSC) at suportado ang event ng Philippine Basketball Association (PBA), Smart, Mighty Sports, Globalport at ng Rain or Shine.

Ang mga nagdaang NSA of the Year awardees ay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Philippine Athletics Track and Field Association, Philippine Taekwondo Association, Association of Boxing Alliances in the Philippines, Wushu Federation Philippines at Philippine Dragon Boat Association. (Ferds delos Santos)