Una sa Balita

NSA chief alam ang US policy sa pagbili ng armas sa Russia

By
0 933

HINDI matiyak ni National Security Adviser­ (NSA) Hermogenes E­speron kung mayroong bagong polisiya ang Estados Unidos sa mga bansang nais bumili ng armas sa Russia.

Kasunod ito ng bant­a ng Amerika na mapapatawan ng sanction ang sino mang bansang bibili ng mga armas sa Russia, partikular na sa kom­panyang Rosoboronexport na blacklisted na umano.

Sinabi ni Espero­n na batid niya ang umiiral na polisiya ng Amerika pero hindi naman nito masuheto ang ibang bansang gumagawa nito.

Katunayan, ayon kay Esperon ay bu­mili ang India, Malaysia at ang pinakahuli ay I­ndonesia ng kanilang mga fighte­r jet sa Russia pero nagtataka siyang ngayon lamang nag-iingay ang Amerika sa plano ng Pilipinas na bumili ng armas.
Ang Rosoboronexport ang tanging kompanyang awtorisado ng Russian Federation na magbenta ng armas sa iba’t ibang mga bansa sa mundo.

“There had been a standing policy of US to sanction countries that purchase military equipment from the Russian Federation. I am not sure if there is a new issuance.

“By the way, India, Malaysia and now Indonesia procured their fighter jets from Russia. Rosoboronexport is the only authorized exporte­r for the Russian Federation,” ani Esperon.

Nauna rito, iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang P­ilipinas ay may sarilin­g soberanya kaya hindi nito alam kung paano masasakop ang bansa sa batas na ipina­iiral ng Amerika­.