Una sa Balita

NPA tinutugis sa Antipolo

By
0 3,328

Nagpapatuloy ang tropa ng pulisya at militar sa pagsasagawa ng pursuit operations laban sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nanambang sa mga miyembro ng PNP Special Action force sa Antipolo City kahapon.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ro­nald Dela Rosa, iniutos nya mismo sa Regional Director ng PNP CALABARZON ang pagtugis sa mga umatake sa SAF commandos.

“Pursuit operations are still ongoing, yung ating SAF nagpadala ng additional troops doon para hanapin yung mga responsable sa pag-ambush nung ating mga tauhan kasama rin yung Philippine Army doon sa area sa Rizal at paghahanap yung mga responsable”, sinabi ni Dela Rosa.

Nagdadag na rin sila ng bilang ng mga mi­yembro ng SAF sa lugar para tugisin ang mga salarin sa pag-atake.

Katuwang ng PNP ang mga miyembro ng Philippine Army sa pagsasagawa ng pursuit operations.