NPA tinawag na oportunista ng Palasyo

By

Ikinadismaya ng Malacañang ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa isang police station sa Iloilo nitong Linggo halos kasabay ng pagtanggap ng gobyerno sa alok ng National Democratic Front (NDF) sa ceasefire sa Mindanao.

“It’s unfortunate that the NPA raid of a police station in Iloilo happened on the same day the government reciprocated the National Democratic Front’s declaration to refrain from undertaking offensive operations in Mindanao,” wika ni presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang

“Although the attack was not in Mindanao, the act was opportunistic in nature and disregards the nature of the NDF declaration,” banat pa ni Abella.

Muling kinalampag ng Palasyo ang NDF na atasan ang NPA na sumunod sa utos ng liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP). 

“We ask the NDF to call on their armed comrades on the ground to walk the talk and to show genuine sincerity on the confidence-building measure initiated by the government and their side,” ani Abella.

Tinatayang nasa 50 miyembro umano ng NPA ang umatake sa police station ng Maasin, Iloilo noong Linggo ng tanghali, kung saan tinangay ng mga rebelde ang mga armas at ang nag-iisang police patrol vehicle ng himpilan.

Ang pag-atake ng NPA sa Iloilo ay halos sabay sa inilabas na statement ni Labor Secretary at peace panel chairman Silvestre Bello hinggil sa pagtanggap ng gobyerno sa alok na ceasefire ng CPP-NPA sa Mindanao.

SHARE