Una sa Balita

NPA sumuko sa NE

By
0 370

MALAKING pilay sa hanay ng kumunistang New People’s Army (NPA) ang pagsuko ng isang miyembro nito sa 1st Provincial Mobile Force head ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) noong Sabado.

Ito ang paglalarawan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting Nueva Ecija police director, sa pagsuko ni Allan Halop alyas ‘Ka Tamas’, residente ng Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur, squad leader ng Segunda, na nag-oope­rate sa Nueva Ecija-Aurora at iba pang bahagi ng Caraballo areas.

Sa pagsuko kay P/Supt. Ale­xander Aurelio, head ng 1st PMFC-NEPPO at Community Support Program (CSP) Team ni Army Corporal Emmanuel Siblag sa Brgy. Pesa, Bongabon, Nueva Ecija, ay isinuko rin nito ang isang kalibre 7.62mm M14 Rifle na may magazine at 380 bala para sa naturang high powered na armas.

Nangyari umano ang pagsuko pagkaraan ng puspusang negosasyon na sinuportahan ng mga puwersa ng Army sa ilalim ni 2nd Lt. Jonemar Suarez ng Colt3/91st IB na nakabase ss Brgy. Martir, Bongabon.

Naging katuwang sa operasyon ng 3rd Maneuver Platoon, Bongabon Patrol Base, 1st PMFC-NEPPO ang 91st IB at Collection Team (COLT3) sa ilalim ni Lt. Col. Jose Mari Torrenueva II, battalion commander; Military Intelligence Battalion (MIB); 71st IB; Military Intelligence Company (MICO) at 703rd Brigade ng Phi­l.ippine Army.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy