Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NPA recruiter todas sa Laguna

0 501

Patay ang secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s SRMA 4C ng CPP-NPA—NDF matapos makipagengkwentro sa pulisya at militar sa Sitio Boho, Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni Lt. Col. Jesus Diocton, ang Commanding Officer ng 1st Infantry Battalion ang nasawi na si Mario Caraig alyas ‘Jethro’.

Nakuha sa kanya ang isang calibre .45 pistol, isang 9 mm pistol, dalawang granada at mga dokumento.

Ito na ang ikalawang engkwentro ng tropa ng pamahalaan sa mga rebelde matapos ang bakbakan noong Agosto 4 sa Bay, Laguna na ikinasawi nina Dioscorro Cello alyas Ka Termo, Platoon Leader ng Platun Laguna-Quezon, Melito Glor Command, MRGU, STR at General Secretary ng Cesar Batrallo Command na may patong sa ulo na P3.8M pabuya at dalawang iba pa na nakilala lamang sa mga pangalang Ka Omar/Efren at Ka Danny.

Nanawagan naman si PRO4A Regional Director Brig Gen Vicente Danao, Jr., “Mahaba pa ang oras. Huwag po nating sayangin ang panahon na ibinigay ng ating pamahalaan para magbagong buhay. Maiiwasan at matutuldukan ang bakbakan kung tayo ay magtutulungan. Bukas po ang pintuan ng ating Pamahalaan sa mga nais sumuko upang makamit ang normal at maayos na pamumuhay.” (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.