Una sa Balita

NPA payag sa peace talks sa isang kondisyon…

By
0 1

ZAMBOANGA CITY — Handa na umano ­muling makipag-negosasyon ang New People’s Army ngunit hindi sa grupo ni Presidential peace adviser Jesus ­Dureza kundi kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ang sinabi ng rebeldeng grupo bilang tugon sa alok ni Carpio na makipag-usap sa NPA matapos itong ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbawi ng mga komunista sa kanilang unilateral truce at ­serye ng mga pag-atake. “To pursue lasting peace and advance the welfare of the masses, NPA open to hold talks with Sara Duterte,” ani Rigoberto Sanchez, ang spokesman ng NPA. Sinabi pa nito na maaaring maglabas ng pansamantalang ceasefire ang NPA upang matuloy ang pag-uusap sa pagitan ng mga rebelde at ni Carpio.

“The Regional Operations Command of the New ­People’s Army in Southern Mindanao reciprocates the gesture made by Davao City Mayor Sara Z. Duterte by suspending for a few hours the NPA operations and ordering any NPA camp in National Democratic Front territories in Davao City and nearby areas to host the talks with her at a mutually agreed time and date.”