Una sa Balita

NPA off’l nalambat sa panununog

0 458

NALAMBAT ng mga awtoridad ang kinikilalang leader ng New People’s Army (NPA) na responsable sa panununog sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong 2015 sa ikinasang operation sa Sarangani Province.

Ayon kay Brig. Gen. Alfred Corpus, director ng Police Regional Office-12, ang suspek na si Jonie Calaba, 25-anyos, vice commander ng NPA Guerilla Front 73 at taga-Kalamansig town, Sultan Kudarat ay naaresto sa Maitum, Sarangani.

Nabatid na pinamunuan ni Calaba ang Platoon Cherry Mobile ng Front 73 na nag-o-operate sa Barangay San Jose, Banga, Tupi, Polomolok, Lake Sebu, at bayan ng T’boli sa South Cotabato; at Kiamba, Sarangani.

Sinampahan ng kasong arson si Calaba sa inihaing warrant of arrest with no bail matapos ang ginawang pagsunog sa mga heavy equipment na nagkakahalaga ng P35 milyon at pag-aari ng Silvicultural Industries Inc. noong Marso 7, 2015 sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Kasalukuyang nakakulong si Calaba sa Sarangani Police Provincial Office. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy