Una sa Balita

NPA naghihingalo na — Duterte

0 315

MALAPIT na umanong matuldukan ang New Peoples Army (NPA) sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oath-taking ng mga lokal na opisyal at mga bagong kongresista sa Malacañang Martes nang gabi na naghihingalo na ang kilusang komunista dahil isa-isa nang bumagsak ang kanilang mga lider.

Ayon sa Pangulo, dalawa na lang ang natitirang lider ng NPA sa Mindanao mula sa dating bilang na 16.

“‘Yung NPA naman patapos na talaga. It is in the throes of death. Wala na silang mga fronts. Nagbagsakan na. In Mindanao,  in Eastern Mindanao used to have about 16. Dalawa na lang,” anang Pangulo.

Hindi aniya maintindihan ng Presidente kung bakit naniniwala pa rin ang mga NPA na kaya nilang pabagsakin ang gobyerno gayong malabo namang mangyari ito.

Masyado na aniyang huli para mangarap ang mga komunista na kaya nilang pabagsakin ang gobyerno.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na malakas ang mga sundalo ng gobyerno dahil binilhan ang mga ito ng kagamitan at armas na magagamit para mapanatili ang kaayusan ng bansa.(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy