Una sa Balita

NPA na naman sa Negros

0 305

Dear Abante:

Hindi pa rin ako nakaka-move on sa pangyayari na pagpaslang sa aming mga kababayang magsasaka dito sa bahagi ng Negros, mayroon na namang nakaambang na panganib, kahit pa mayroon nang mga pulis at sundalo na nakikita namin na nagbabantay sa mga checkpoint na kanilang ginawa.

May mga patago na namang nakikipagdiyalogo sa mga walang sakahan na sasama sa kanila sa tugunan para mangalkal ng lupa at ang mga lupang makakalkal ay sa amin na.

Totoo ang sinasabi ko, na patago na naman sila (‘yung mga NPA) na nag-uudyok sa aming mga walang sariling sakahan na kanilang bibigyan, isa na nga rito si kuya Nonoy na talagang hinihikayat nila, kaya lang siyempre takot na kami, ikaw ba naman makita mo na may patayan ‘di ka ba matakot ‘di ba?

‘Yung mga NGOs naman, ang hirap din talaga tanggihan e, oo mulat na kami sa sinasabing malaki ang nakukuha nilang pondo at kakaunti lang ang dumadating sa amin, pero ‘yun nga may dumadating at natatanggap pa rin kami, kaya thank you pa rin.

Alam na rin naman namin sa ngayon na hindi ang mga sundalo at pulis ang tunay na kalaban, pero ang hirap pa rin talaga, hindi basta-basta natatanggal ang takot.

Kahit na alam ko na nga ang mga CP number ng mga CO nila ay natatakot pa rin ako na magsabi na bumaba at nandito na naman sa lugar namin ang mga NPA.

Kaya ito ang nakita kong paraan, ang mailathala sa inyong pahayagan, para mabasa ng mga sundalo at pulis. Salamat sa pagkakataon.

Concerned citizen

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy