Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NPA medic sumuko sa militar

0 85

Nagbalik loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsuko sa 86th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang isang babae na medical officer umano ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Southern Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Noong Linggo sumuko ang dating rebelde na kinilalang si alyas ‘Nika’, 30-anyos. Aniya, 17-anyos siya nang puwersahan umanong sumapi sa NPA at ginawang medical officer ng Rehiyon Sentro De Gravidad, Komiteng Rehiyon- Cagayan Valley.

Nakonsensiya at naawa umano siya sa kanyang mga kasamahan na namamatay at nasusugatan sa mga engkwentro, dagdag pa ang sobrang hirap na kanilang naranasan sa kagubatan.

Kasabay ng pagsuko ay itinuro ni Nika ang pinagtataguan ng grupo ng mga pampasabog kung saan matagumpay na narekober ng militar ang apat na improvised explosive device.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng 86th IB ang babaeng rebelde at ipinoproseso na ang tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga nagbabalik-loob na mga rebelde. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.