Una sa Balita

NPA, lumabag sa tigil-putukan – AFP

By
0 696

Malinaw na paglabag sa idineklarang ceasefire ng New People’s Army (NPA) ang tangkang pagdukot ng mga rebelde sa isang Citizen Active Auxiliary sa Compostela Valley at pangha-harrass sa isang army detachment sa Davao Oriental noong December 25.

Dahil dito, mariin itong kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sinabi ni Philippine Army 10 ID Comman­der, Major General Noel S. Clement, malinaw na paglabag sa idineklarang ceasefire ng NPA ang nasabing insidente.

Sa report ni 10th ID spokesperson Capt. Jerry Lamosao, tinangkang dukutin ng 30 NPA sa pamumuno ni Ka Jekol at Ka Ramie ang CAFGU na si Arbilito A. Catampao sa Sitio Madian, Barangay Tubaon, Tarragona, Davao Oriental.

Isa pang insidente ang paglusob ng hindi pa matukoy na NPA na miyembro ng Guerilla Front 34 sa Melale Patrol Base ng 1st Platoon, 4th CVP CAFGU Active Auxiliary Corps sa ilalim ng 72IB sa Brgy Melale, Laak, Compostela Valley.

Iniulat ni Capt. Lamosao na pumosisyon ang mga NPA ng 250 metro mula sa patrol base pero dahil sa nakaalerto ang mga tropa, agad dumipensa ang mga ito na nagresulta sa pag-atras ng kalaban matapos ang dalawang minutong barilan.