Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NPA lider, misis dedo sa engkuwentro

0 68

PATAY ang hinihinalang leader ng New People’s Army (NPA) at ang kanyang asawa sa nangyaring engkuwentro sa Trento, Agusan del Sur, ayon sa 10th Infantry Division Public Affairs Office.

Sa isang pahayag, kinilala ng mga sundalo ang NPA leader na si Danny Huit o “Bosyong”, na sinasabing secretary ng Guerilla Front North sa Sub-Regional Command 1, Southern Mindanao Regional.

Ang kanyang asawa ay kinilalang si Naneth Catalino o “Bambam/Keith” na nagsilbing medic ng grupo.

Ang tropa ng 67th Infantry Battalion ay nagsagawa ng pursuit at clearing operations matapos itimbre ng concerned citizen na may mga NPA members sa lugar.

Nang dumating ang tropa ng pamahalaan, agad silang sinalubong ng mga bala ng baril.

Doon na napatay ang dalawa. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.