Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NPA lider dedo sa bakbakan

0 208

Todas ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) at apat pa nitong kasama sa South Cotabato, ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., commander ng AFP Western Mindanao Command (Wesmincom), nangyari ang engkwentro sa Brgy. Ned, bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato.

Isisilbi sana ng pwersa ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army at 2nd Provincial Mobile Force Company ng PNP ang arrest warrant laban kay Romeo Libron, na gumagamit din ng alyas na Frank at Melvin, dahil sa kasong murder.

Imbes na mapayapang sumuko ay nagpaputok ng baril si Libron na sinegundahan ng kanyang mga kasama, dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Kabilang sa mga napatay ang asawa ni Libron na si Merly at tatlong iba pa na kinilalang sina Rogelio Magsaya alyas Sarge; alyas Macoy; at alyas Megan, na mga miyembro din umano ng NPA.

Sinabi ni Vinluan na si Libron ay Commanding Officer ng Regional Ordnance, Regional Operations Command ng Southern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.

Sangkot umano ang mga ito sa pagpapasabog ng mga bus at iba pang business establishment sa gitnang Mindanao dahil ayaw magbayad ng mga may-ari ng protection money. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.