Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NPA leader, 8 pa bumulagta sa Iloilo

0 167

Umabot na sa siyam ang nasawi kabilang ang isang lider ng New People’s Army (NPA) matapos mapatay sa sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at sundalo sa Sitio Burak, Barangay Alimodias, Miag-ao, Iloilo, kamakailan.

Kinilala ng pamunuam ng Philippine Army (PA) ang ika-siyam na napatay na si Joven “Lex” Ceralvo, deputy secretary ng Kometing Rehiyon-Panay (SF KR-P) Southern Front at commanding officer ng Front Operational Command Kometing Rehiyon-Panay (FOC KR-P).

Kinumpirma ng 301st Infantry Brigade ang pagkamatay ni Ceralvo matapos ang ginawang forensic examination sa bangkay nito na nasawi sa sagupaan noong Miyerkules.

Si Ceralvo ay una nang nahaharap sa kasong kriminal kabilang na ang rebellion, frustrated murder, multiple attempted murder, robbery at arson.

Nauna rito’y walong NPA na ang nasawi sa engkwentro sa Barangay Alimodias kung saan nagtitipon ang mga rebelde para sa kanilang pag-atake. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.