Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NPA inamin pagratrat sa 2 pulis

0 39

Inamin ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRS) ng New People’s Army (NPA) ang brutal na pamamaslang sa dalawang pulis sa Butuan City na kanilang iginapos at pinagbabaril sa isang farm sa Barangay Antongalon ng nasabing bayan.

Ayon kay Caraga Region Police Regional Director Police Brig Gen. Romeo Caramat, ang pamamaslang kina Police Executive Master Sgt. Sherwin Roy Cajutol, 42, at Patrolman Nazar Libot, 28, parehong may asawa at nakatalagang intelligence officer ng Butuan City Police Office, ay inamin ng tagapagsalita ng grupo.

Mariin namang kinondena ni Caramat ang pagpatay sa walang kalabang-labang mga pulis na iginapos saka pinagbabaril ng tinatayang nasa 10 rebelde.

“We condemn the savage murder of our police officer and we will exert all our effort and look in the bottom of this. As we continue to solicit the support of the community in order to arrest this heartless elements roaming around guiltless and be put in the hands of the law,” pahayag ni Caramat sa kanyang statement.

Pinabulaanan din ni Caramat na nagtatrabaho ang mga biktima bilang caretaker ng isang farm na pag-aari ng dating hepe ng Butuan City PNP.

Ayon kay Caramat, nagsasagawa ng intelligence operation ang mga biktima nang madakip ito ng mga rebelde, iginapos at dinala sa labas ng farm ang mga ito at doon ay binistay ng bala. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.