Una sa Balita

NPA commander todas sa engkuwentro

0 445

TODAS ang regional head ng Far South Mindanao ng New People’s Army (NPA) matapos na makipagbarilan ang grupo nito nang lusubin ang kanilang hideout ng mga miyembro ng Phili­ppine Army na nagsasagawa ng Inter Agency Law Enforcement Ope­ration Biyernes ng hapon sa Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang napatay na suspek na si Juanita­ Gore, alyas Isay/Maring,­ bukod sa lider ng Far South Mindanao ay logistic at finance head din ito ng grupo.

Sa ulat ni Brig. Ge­neral Adonis Bajao, commander ng 102nd Infantry Brigade to Eastern­ Mindanao, nilusob ng kanyang grupo ang NPA hideout sa Sitio Lacobe, Brgy. Malabuan ng nabatid na bayan pa­sado alas-tres ng hapon.

Napag-alaman sa pinagsanib na puwersa ng sundalo at pulisya ang nagtungo sa lugar upang isilbi ang mga warrant of arrest laban sa suspek na ipinalabas ni Judge Magnolia C. Velez ng 11th Judicial Region, RTC Branch 20, Digos City, Davao del Sur sa kasong murder at robbery with intimidation.

Nabatid na pagkakita pa lang sa awtoridad ay nagkanya-kanya ng pulasan ang grupo ni Gore at nakipagpalitan ng putok ang mga ito na tumagal­ lang ng may limang minuto bago mabilis tumakas ang mga rebelde at iwan ang bangkay ng kanilang pinuno.

Bukod sa bangkay ni Gore ay nakakuha pa ang awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng isang M14 armalite riffle, 1 kalibre .38 baril, mga landmine at sangkap sa paggawa ng bomba at mga subersibong dokumento ng samahan. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More