Una sa Balita

NPA ceasefire di tatapatan

By
0 91

Malabong tapatan ng gobyerno ang unilateral ceasefire na balak ipatupad ng rebeldeng komunista bago ang resumption ng peace talks.

“There is no reason to declare a unilate­ral ceasefire because our President is more i­n­terested in obtaining a bilateral ceasefire agreement,” wika ni Secretary Silvestre Bello III, chair ng negotiation panel ng gobyerno.

Nilinaw naman ni Bello na hindi magiging problema sa peace talks ang kawalan ng deklarasyon ng ceasefire dahil ang magiging unang agenda sa pagbabalik ng negosasyon ay ang bila­teral ceasefire.

Inihayag kamakailan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na magdedeklara sila ng interim ceasefire sa Marso 31 bilang paghahanda sa fourth round ng peace talks.

Subalit kung wala namang idineklarang ceasefire ang gobyerno, umaasa si Bello na hindi rin magdedeklara ang CPP.

“I don’t think they will declare if we will not declare,” ani Bello.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy