Una sa Balita

NPA attack sa CALABARZON umiigting

By
0 7

Tumaas ang insident­e ng mga pang-aatake ng New People’s Army (NPA) sa CALABARZON ngayong taon kung ikukumpara noong isang taon.

Batay sa tala ng CA­LABARZON PNP mula Enero hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa 20 ang mga insidente na kinasasangkutan ng NPA.

Mas mataas ito sa siyam na insidente na naitala noong isang taon.

Abante Hiring – IT dep

Sa nasabing bilang, 10 ang encounter na ang pinakahuli ay sa Luisiana, Laguna at Lucban, Quezon kamakalawa, dalawa ang robbery, apat ang arson at apat ang harrassment.

Dahil dito, kasalukuyang isinasagawa ng AFP, PNP at iba pang stakeholders ang Joint Regional Law Enforcement Coordinating Conference sa Camp Vicente Lim upang makabuo ng plano para mahadla­ngan ang pang­hahasik ng mga kaguluhan ng NPA.