Una sa Balita

NPA ambush sa Bukidnon

By
0 2

ZAMBOANGA CITY — Patay ang isang sundalo at sugatan umano ang halos isang dosenang tropa ng militar matapos na sila’y tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa highway ng bayan ng Kitaotao sa Bukidnon province sa Mindanao.

Naganap ang atake noong Sabado ng gabi sa Barangay Kitubo habang sakay ng isang truck ang mga sundalo at pabalik na umano sa kanilang barracks. Bagamat sugatan ay nakuha pa ng mga tropa na makipagsagupaan sa NPA, ngunit hindi pa mabatid kung may casualties ang rebeldeng grupo.

Tikom naman ang bibig ng 4th Infantry Division at ng Eastern Mindanao Command sa naganap na atake, subalit kinumpirma naman ito ng pulisya.

Naunang nagbanta ang NPA na paiigtingin ang opensiba laban sa pamahalaang Duterte matapos na bumagsak ang peace talks at iurong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang backchannel talks.