Una sa Balita

Noynoy tinamaan ng pneumonia

0 295

NADALE ng pneumonia si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III pero unti-unti na itong nakakarekober.

Inamin ito mismo ni dating Pangulong Aquino sa ambush interview matapos ang misa para sa ika-1,000 araw na pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima.

Na-diagnose aniya siyang may pneumonia noong nakaraang linggo.
“Nag-umpisa kasi ubo. Ang problema nag-progress sa pneumonia, that was last week. So, binigyan ako ng treatment ng doctor ko, so okay na. Pero siyempre recovering ng konti ayaw nating mabinat,” kuwento ni Aquino.

Dagdag pa niya, binigyan siya ng dalawan­g klase ng gamot na dahilan ng kawalang gana niya sa pagkain.

“Binigyan ako ng dalawang klase ng gamot. Siyempre kasabay nun nawawalan ka ng gana. Habang nawawalan ka ng ganang kumain pinipilit ka naman maglagay ng pagkain sa tiyan bago inumin itong mga antibio­tic,” wika niya.

Kilalang mahilig sa sigarilyo si Aquino kaya’t noong Presidente pa siya ay madalas itong maubo habang nasa kalagitnaan ng speech.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy