Una sa Balita

Noynoy ‘di tatakbo sa 2019

0 613

WALANG balak si da­ting Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na tumakbo sa anumang posisyon sa 2019 at sa halip, tutulungan na lang niya ang kanilang kandidato para madagdagan ang bilang ng mga oposisyon sa ­Kongreso.

“Para maupo ako sa isang puwesto, bubuo sila para hindi tayo manalo kung tatakbo tayo. Alam mo na ang issue ng trolls, social media etc. Sa dami (ng batikos) sasangga ako nang sasangga, baka tayo manalo pero baka wala tayong kasama,” pahayag ni Aquino sa mga reporter sa paggunita ng ika-35 taong anibersaryo ng kanyang amang si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Ayon sa dating Pa­ngulo, mas magiging epektibo siya sa pag-promote ng mga kandidato ng oposisyon.

“Gusto natin magparami ng bilang. Si­guro naman dapat tumulong tayo na meron tayong oposisyon na talagang constructive na magpo-provide nang tamang check and ba­lance,” sabi ni Aquino.

“Para makuha ang check and balance dapat may numero at hindi mangyayari ‘yan kung iilan lang ang nasa oposisyon.

Trabaho ko na tulungan para magkaroong na malakas ng boses dito sa lehislatura,” dagdag nito.

Dagdag pa ng dating Pangulo, “Kung tatakbo ako, baka itayo ko lang ang sarili kong bangko pero kung interest ng taumbayan sa paghihirap ko mas maraming makakaupo, kung mas makakatulong sa ating bansa kesa sa sumikat ako, mas mabuti na sumikat ang bansa,” wika pa nito.