Una sa Balita

Noynoy absuwelto sa Dengvaxia scandal – JV

By
0 7,553

Walang pananagutang kriminal si da­ting Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa mga binili na depektibong bakuna laban sa dengue na gawa ng Sanofi Pasteur.

Ito ang paninindigan ni Senador Jose Victor ‘JV’ Ejercito makaraang wakasan na ni Senador Richard Gordon ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Dengvaxia scandal.

Sinabi ni Ejercito na ang Pangulo ang huling lumalagda sa anumang kontrata kaya’t dapat kapag dumating sa lamesa ng Punong Ehekutibo ang papeles ay kaila­ngang dumaan na ito sa lahat ng proseso.

“Dapat pagdating sa Presidente ‘yung papeles pipirmahan niya sabi ko nga he must presume that all the due diligence, all the research and investigation has been completed. Kumbaga lahat ng pros and cons kung meron ba itong sabit, wala ba itong sabit dapat nakasaad dun,” paliwanag ni Ejercito.

Magkataliwas aniya sila ng paniniwala ni Gordon na iginigiit na posibleng irekomenda ang kasong murder laban kay Aquino, dating Budget Secretary Butch Abad at dating Health Secretary Janette Garin.

“Dun lang kami nagkakaiba ni Senador Gordon. Siguro ‘yung command responsibility since he is the one who ordered kailangan makasuhan pero sa akin, siguro command responsibi­lity yes pero criminal case I would think na hindi. Siya ‘yung last to sign e,” giit ni Ejercito.