Una sa Balita

Noy nagpa-checkup lang, walang heart surgery

0 292

NILINAW ng kampo ni dating Pangulong Benigno Aquino III na scheduled checkup ang pagtungo nito sa Makati Medical Center sa Makati City.

Ang pahayag ay ginawa ni Atty. Abigail Valte na dating Deputy Presidential spokesperson ni Aquino sa harap na rin ng ulat na sasailalim umano sa heart procedure ang dating Pa­ngulo.

Ayon kay Valte, nakausap na niya ang dating Presidente at ipinaalam ang mga lumabas kahapon sa media.

Nagbiro aniya si Aquino na baka kaya naba­litang sasailalim siya sa heart procedure ay dahil heart broken ito.

Pero sinabi ni Valte na maayos ang kundisyon ni Aquino at nagpasalamat sa pag-aalala ng publiko.

“Former President Noynoy Aquino is at the Makati Medical Center for a scheduled check up and a routine procedure. While he is currently under observation, I was able to speak to him and apprise him of what is being reported in media. Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya. He’s alright and in high spirits, and thanks everyone for their concern,” ani Valte.

Nauna rito, sinabi ng hepe ng Makati police na si Pol. Colonel Rogelio Simon na naka-schedule umano nga­yong Martes ang dating Pangulo para sa isang heart surgery na agad namang itinanggi ng kampo ni Aquino. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More