Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Novo Ecijano super tatay kahit may kapansanan

0 116

Pinatunayan ni Dennis Liwag na sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan, kayang-kaya niya pa ring maging super tatay para sa kanyang pamilya.

Hindi umano kaya ni Liwag na umasa ng kanyang ikabubuhay sa kanyang mga kapatid kaya sa kabila ng kanyang kapansanan, nagawa pa rin niya na makapagmaneho, makapag tinda at maglingkod pa sa bayan.

Sa kabila ng hiniwalayan ng kanyang misis, positibo rin ang tingin sa buhay ng 43-anyos na si Dennis Liwag para buhayin ang 15-anyos na anak na babae.

Sa ngayon si Liwag ay nagtatrabaho bilang clerk sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) office sa kanyang bayan sa Cabiao, Nueva Ecija.

“Kasama rin sa trabaho ko ang pagbibigay tulong sa mga tulad ko na PWDs,” sabi ni Liwag sa panayam ng PNA.

Para makarating sa munisipyo ay nagmamaneho siya ng may 8 kilometro gamit customized tricycle na ibinigay sa kanya ng mga kapatid.

SM food to go Banner Ad

“Dahil sa tulong ng mga kapatid ko ay napalitan ang lumang tricycle na ginagamit ko ng isang upgraded and customized,” dagdag ni Liwag.

Bago umano siya naging empleyado ng munisipyo, apat na taon siyang naging tricycle driver. Bukod dito, nagtinda rin siya ng kalamansi at nakakabot pa sa Pampanga para makabenta, at matustusan niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Aniya, naging paralisado ang kanyang mga paa nang magkaroon ng meningitis noong 1-taong gulang pa lang. Pero sa kabila nito, nakaagtapos siya ng high school at kumuha ng kursong computer programming sa vocational school. Pero hindi na niya ito napagpatuloy dahil sa kanyang kondisyon.

Naisip na lamang ni Liwag na may plano umano ang Diyos para sa kanya.

Payo ni Liwag sa kapwa niya may kapansanan na hindi ito hadlang para makapaglingkod sa kapwa at bayan. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.