Una sa Balita

Novardianto angat sa Stage 4 ng Ronda

By
0 370

ROXAS CITY — Tatlong Pinoy cyclists ang sumabay sa Stage 4 winner pagtawid ng meta kahapon sa LBC Ronda Pilipinas 2019 na nag-umpisa at nagtapos dito sa El Pueblo.

Anim na siklista na kinabibila­ngan nina Rudy Roque ng Philippine Navy-StandardNInsurance, Ryan Tugawin ng Team Franzia at 7-Eleven­ rider Arjay Peralta ang nakipagsabayan sa tatlong foreign cyclists sa finish line.

Hinirang na Stage 4 winner si Jamalidin Novardianto ng PGN Road Cycling Team pero kapareho niyang oras ang limang nakasama.

Nirehistro ng anim na riders ang tatlong oras, 37 minuto at 53 segundo sa 146.9 km, nakopo ni Mat Amin Mohd Shahrul ng Terengganu INC TSG Cycling Team and second place habang third si Kangeun Joo ng Korail Team Korea.

Pang-apat si Roque,Nfifth si Tugawin at pang-anim si Peralta sa event na inorganisa ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, Versa 2-Way Radio, Juan Movement Partylist, Joel P. Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria at LBC Foundation.

Dumating na pang 14th si Francisco Perez Mancebo ng Team Matrix Powertag Japan subalit siya pa rin ang magsusuot ng red jersey pagsalang ng 148.9km Roxas-Antique Stage Five ngayong araw.

Aminado si Mancebo na nais ng mga Pinoy rider na hubaran siya ng Red Jersey kaya gagawin nito ang lahat para mapanatili ito at makamit ang inaasam na titulo.

Pangalawa pa rin sa individual overall classification si defending champion Ronald Oranza ng Navy habang pangatlo si Dominic Perez ng 7-Eleven nasa fourth ang isa pang Navy na si two-time champion Jan Paul Morales.

May aggregate time na 16 oras, isang minuto at 21 segundo si Mancebo, tatlong minuto at 52 segundo ang lamang kay Oranza.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy