Una sa Balita

Novak pinag-impake sa Rio

0 123

RIO DE JANEIRO (AP) — Napapailing si Novak Djokovic, kinuskos ng palad ang mata habang papunta sa locker room pagkatapos ng kanyang first-round exit sa Olympics.

Dismayado ang world No. 1, posibleng hindi na matupad ang misyon na dagdagan ng gold sa singles ang koleksiyon niya ng Grand Slam titles.

“I mean, no doubt, it’s one of the toughest losses in my life, in my career,” pigil ang boses na wika ni Djokovic kalaunan, naiiling pa rin. “Not easy to handle.”

Hindi nag-iisa ang Serb na nabagsakan ng upset axe sa Day 2 ng Rio de Janeiro Games. Isa siya sa tatlong No. 1 seeds na pinag-impake sa tennis competition sa loob ng 12 hours.

Talo si Djokovic 7-6 (4), 7-6 (2) Linggo ng gabi kay Juan Martin del Potro, hindi kinaya ang dumadagundong na forehand ng Argentine.

Kasunod ni Djoko, nasipa na rin ang top-seeded duos nina Serena at Venus Williams ng US sa women’s doubles, at Nicolas Mahut at Pierre-Hugues Herbert ng France sa men’s doubles.

Papasok ng match ay hawak ng magkapatid na Williams ang 15-0 Olympic record at three gold medals bilang partners sa doubles.

May tsansa pa si Djokovic sa doubles sa Rio pasok sila ni Nenad Zimonjic sa second round.

Pero sa singles, 33 na siya sa 2020 Tokyo Olympics.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy