Una sa Balita

Nouri lupasay kay Aragones

0 414

PINAGULONG ni Jerome Angelo Aragones si FM Alekhine Nouri sa 20th at final round para tanghaling kampeon sa second leg ng 1st Philippine National Bullet Championship na ginanap sa chess website na chess.com.

Nakapagtala si 16-year-old Aragones ng 15.5 points para makopo ang korona at makausad sa semifinal round sa buwan na ito.

Ang online chess tournament ay isinagawa para maipagpatuloy ng National Chess Federation of the Philippines ang program sa mga atleta kahit ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ito ang ikatlong titulo ni Aragones matapos magkampeon sa ‘Ederwin Estavillo Birthday Chess Cup’ sa General Trias City, Cavite at sa ‘BATCH-CEFAG Youth U-16 1950 Rapid Chess Championship’ sa Waltermart, Taytay, Rizal nitong nakaraang buwan.

Nakopo ni Aragones ang gold at silver sa blitz event ng ‘Eastern Asia Age Group Championship’ nakaraang taon sa Thailand. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More