Una sa Balita

Nouri, Garcia matatag sa tuktok

0 255

Magkasama pa rin sa top spot sina International Master Jan Emmanuel Garcia at Fide Master Alekhine Nouri matapos magtala ng magkahiwalay na draws sa round 11 ng 2020 PSC-NCFP Selection Chess Championships Men Grand Finals Sabado ng gabi sa PACE Proj. 6 sa Quezon City.

Nakipaghatian ng puntos sina Garcia at Nouri kina John Merill Jacutina at Olympian IM Ricardo de Guzman, ayon sa pagkakasunod, upang ilista ang tigpitong puntos.

“Kahit sino manalo, magagaling naman ang mga kasali puwede silang ilaban at gawing national player,” hayag ni Melvin Valdez, isa ring chess player.
Solo sa third place si De Guzman na may 6.5 points sa event na ipinatutupad ang double round robin.

Makakalaban nina Garcia sa round 12 si IM Barlo Nadera habang bye si Nouri.
Katapat naman ni De Guzman si Jacutina. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More