Una sa Balita

Notoryus na tulak sa Malabon nalambat

By
0 1,092

Laglag sa kamay ng mga tauhan ng Intel Branch at Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ang isang babaeng na umano’y notoryus na tulak na droga Malabon kahapon nang madaling-araw.

Sa ulat ni P/S Insp. Johnny Baltan ng Nor­thern Police District (NPD)-SDEU, alas-12:50 ng madaling-araw nang maaresto ang suspek na si Princess Ong Nabong, 28-anyos, may kinakasama, walang hanapbuhay at residente ng Baseco Compound, Tondo, Manila.

Nakipagkasundo umanong makipagtagpo ang suspek sa nagsilbing poseur buyer sa Bara­ngay Longos ng nasabing lungsod at nang magkaabutan na ng inorder na shabu at marked money na ginamit pan­silo ng mga awtoridad kay Nabong ay doon na siya dinakma ng pulisya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy