Una sa Balita

Notoryus na kriminal laglag sa Cavite

By
0 790

MATAPOS ang 3 linggong matiyagang pagmamanman, nagbu­nga ang hirap ng mga operatiba ng Bacoor Component Police Station nang maaresto nila ang wanted at lider ng Obet Robbery Hold-Up Group, mag- a-alas-11:00 ng gabi sa Barangay Kaingen, Lungsod ng Bacoor, Cavite.

Kinilala ang naarestong suspek na si Norberto Doctor y Onam, 52-anyos at umano’y sangkot sa serye ng mga holdapan, pagnanakaw at gun for hire activities sa Bacoor at mga karatig lungsod at bayan.

Napag-alaman na dati nang nakulong sa New Bilibid Prisons ang suspek na may tatlong kaso ng kasong pagpatay sa Lungsod ng Las Piñas.

Sa kasalukuyan ay may 2 outstanding warrant of arrest ang naarestong suspek, para sa kasong pagnanakaw sa Bacoor, Cavite, habang bineberipika pa ang isang murder case nito sa Nueva Ecija na lumabas naman sa talaan ng CIDG warrant data base.