Una sa Balita

Notoryus na holdaper dinakma sa Mandaluyong

0 299

KULUNGAN ang bagsak ng isang kinikilalang notoryus na holdaper matapos malambat sa pinagtataguang bahay nang isumbong ito ng kapitbahay, kamakalawa nang hapon sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Lynon Phaul Siguan, 20-anyos, na inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Mandaluyong police alas-5:30, Martes nang hapon.

Inaresto si Siguan sa kasong robbery hold-up sa dalang bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Santiago M. Arenas ng RTC Branch 317.

Ayon kay P/Col. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong Police, inakusahan si Siguan ng pagnanakaw matapos na magreklamo ang hinoldap na biktimang itinatago sa pangalang ‘Mary Anne’ sa loob ng pampasaherong bus na patu-ngong Fairview, Quezon City noong Setyembre 28, 2017.

Ayon sa salaysay ng biktima, tinakot siya ng suspek at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone, wallet at suot na alahas at pinagbantaang papatayin kapag hindi binigay ang mga hinihingi at kapag sumigaw kahit pa nasa loob sila ng bus.

Agad na tumakas ang suspek pagkakuha ng mga gamit ng biktima at doon na siya humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Matapos ang ilang linggong surveillance mula sa tip ng isang kapitbahay ng suspek ay nalambat dun ito sa kanyang bahay.

Kasalukuyang nakakulong si Siguan sa Mandaluyong City detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kanyang kinahaharap na kaso. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy