Una sa Balita

‘Not once but twice’

0 301

Produktibo ang ­na­ging business meeting ko para sa aming marketing company noong isang araw. Ngunit ang hindi ko ­inaasahan ay ­maliban sa business matters ay mayroon pang iba na magiging paksa ang pagtatagpo na ito. Ang kausap ko ay isang accomplished woman at mayroon mataas na pinag-aralan.

Katatapos nya lang ng kanyang dissertation sa kanyang ­Doctor of Public Administration degree. Bukod pa sa kanyang pagi­ging ­konsehal ng bayan, siya rin ay aktibo sa larangan ng kooperatiba, non-go­vernment organization at negosyo.

Sa daloy ng aming pag-uusap ay nabanggit ang tungkol sa lupa’t bahay, ari-arian, pamilya at mga anak hanggang sa maibahagi ng ­konsehala na siya’y hiwalay sa kanyang asawa. Tatlong beses aniya sila naghiwalay at tatlong beses din nagbalikan. Dalawang beses din daw silang ikinasal bukod pa sa renewal of vows. Ngunit humantong din ito sa tuluyang paghihiwalay matapos ang 20 taon ng kanilang on and off relationship. Tumatak sa isip ko ang kuwento ng hiwalayan at balikan na naganap sa kanila.

Naisip ko tuloy na malalim na pag-ibig ang namagitan sa kanila ng kanyang asawa para subukan nilang magbalikan matapos ang ­bawat paghihiwalay ng tatlong beses. Hindi ba’t ang pagtataksil, pagsisinungaling o pagbasag ng pangako ay su­misira sa tiwala sa pagitan ng mag-asawa? Bagama’t ganoon na ­lamang ba basta-basta at agad-agad na kalimutan at itapon ang isang relasyon na umabot rin sa dalawang dekada? Nangangahulugan ba ito na wala nang paraan para masagip ang kanilang dating mabuting pagtitinginan?

Is it really possible to rebuild trust when there’s a significant breach committed by the husband or wife, one after the other? ­Madali nga bang kalimutan ang mga dahilan bakit unang nasira ang inyong masayang pagsasama?

Paano kung inulit at sinundan pa?

Sa pagkakataon daw na ito, it takes two to tango at ang parehong panig ay kinakailangan na alamin ang buong detalye ng pagsubok na dumating, ilabas ang galit o sama ng loob, at ilaan ng kanilang sarili o commitment para sa reconciliation at rebuilding.

Ang kasabihan na “what you don’t know won’t hurt you” ay ta­liwas sa dalawang magkahiwalay na pagsubok sa ­paghihiwalay gayundin sa ­pagba­balikan.

Ang pagiging bukas sa mga nangyari ­katulad ng one on one, no holds barred question and answer ­process ay isang paraan para malaman ng bawat panig ang mga dahilan katulad ng pakiramdam o problema ng pagkakaroon ng pagbasag ng pangako.

Sa kabuuan, alam nating hindi madali ang proseso o pagdaraanan para maisalba ang pagsasama. Nakatutulong sa mag-asawa na nasa pagsubok na magkaroon ng new relationship goals para mapanumbalik ang tamis ng pagmahahalan. Kailangan din ang pangako ng pagbabago sa sarili ay tumbasan ng gawa.

Look back. Sa pagbubukas ng iyong ­sarili sa mga nangyari, mga dahilan at ang ­naging ­resulta, maaaring ­gawing aral ito para sa paglago at pagpapahusay pa ng sarili at ng pagsasama. Alamin, suriin at resolbahin ang naging problemang mag-asawa para maibalik ang tiwala sa isa’t isa.

Let go and move on. Unahin ang pagpapatawad sa sarili at ­susunod sa kabiyak. Forgive and forget sabi ng iba. Minsan mas mahirap pa sa taong nagkamali na paulit-ulit na ipaalala at tanggapin ang kanyang nagawa.

Maging tapat at matapang na aminin ang naging mali para ­maituwid ito.

***

Kung mayroong katanungan ukol sa Life Coaching o mayroong kuwento kayo na nais ibahagi, maaaring mag-email sa coachalextr@gmail.com o magtext sa 0917-5332322. Si Alex “Lex” Rosete ay isang Certified Life Coach mula sa Life Coach Phi­lippines. Isa rin siyang guro, trainer at consul­tant sa ­communication, human resources ma­nagement at public ­administration.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy