Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Norwood nabahag buntot kay Williams

0 225

KAHIT ang mga defensive specialists tulad ni Gabe Norwood, minsan ay may nakakatapat din na mahirap i-check.

Para kay Norwood, si Fil-Am rookie Mikey Williams ng TNT ang pinakamahirap bantayan sa PBA sa kasalukuyan.

Parang puzzle na mahirap i-solve.

“I’ve been around in the league for a while and he’s a new face. He’s a guy that I haven’t had to defend that much,” anang veteran guard ng Rain or Shine. “I haven’t really figured him out yet in terms of what makes him uncomfortable, what he likes to do, things like that.”

Sa higit isang dekada sa liga, naging Defensive Player of the Year (2010) at pitong beses nang nasama sa All-Defensive Team si Norwood, 36. Ang depensa rin ang tiket niya sa Gilas Pilipinas.

“He can score and he’s played at such a high level even before setting foot in the PBA,” dagdag ni Norwood.

No. 4 pick ng TNT si Williams noong March, naging mahalagang piyesa sa pagbawi ng Tropang Giga sa korona ng Philippine Cup sa Bacolor semi-bubble noong November. Siya pa ang tinanghal na Finals MVP. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.